Tatlumpong minutong sakay sa bus
By Natz Liwanag("natz")
Paalala:
mga lugar, pangalan at pangyaari ay wala akong kinalaman..
Ito ay katha lamang ng aking mapaglarong isipan...
Alas 7:10 ng nagising na ako nagmamadaling akong naligo dahil malalate na naman ako sa aking trabaho...
Sya nga pala ako si Jay nagtratrabaho ako sa isang bangko sa Welcome Rotonda... Dito ako nakatira sa Fairview....
Makalipas ng ilang minuto tapos na ako sa paliligo.. Nagmamadaling kinuha ang aking uniporme at nagbihis na agad.. Di ko na inisip ang aking almusal dahil ma lalate na naman ako sa trabaho baka pagalitan na naman ako ng aking boss... Lumabas na ako sa aking bahay at naglakad papuntang sakayan.
"kaasar talaga ang layo pa ang aking lalakarin bago makarating sa sakayan.." nasambit ko sa sarili ko...
Nung makarating na ako sa sakayan ng bus...
May napansin akong isang matanda nakabit bit ng malaking plastic sa kanang kamay... Nasa kabilang kalye sila... Mukhang tatawid... Naawa ako sa matanda kaya kahit naka Go palang ang stop ligth nakipag patentero ako sa mga sasakyan para mapuntahan ko lang ang matanda... Nung nakatawid ako nasa harapan na ng matanda... "anak alam mo bang bawal ang ginawa mo?" sabi sakin ng matanda.. Wala akong nasabi kundi ngumiti nalang ako...
Nung napansin ko may kasama pala sya nasa likod lang sya nakahawak sa kanyang balikat...
"lolo san po kayo pupunta??" tanung ko sa matanda.."ihahatid ko sya sa sakayan ng bus anak" "akin na po ung bitbit nyo lolo" sagot ko ulit sa matanda... Nung nakuha ko ang kanyang dala tinapik nya ako sa balikat na parang nagsasabing salamat... At nginitian ko ulit sya...
Nung nakatawid na kami at nasa antayan na ng bus... Di ko masyado marinig ang sabi ng matanda sa kanyang kasama pero parang nagpaalam na ung matanda at may inabot na sulat ang babae nyang kasama.. Pagkatapos binasa ng matanda ung sulat ngumiti sya sabay tapik sa balikat ng babae...
Pagkatapos nilapitan na ako ng matanda at sabi... "anak ingatan mo sya wag mong pababayaan.. Alam ko mabait kang tao..." nagtaka ako kung bakit...napaisip tuloy ako ng malalim... Tapos umalis na si lolo pabalik dun sa kabilang kalye...
Sa di maipaliwanag ng aking isip bakit ganun ang sinabi ng matanda tinanung ko ang babae.. "miss bakit....." nang biglang may inabot na sulat sakin.. Binasa ko ang sulat...
At eto nakalagay.. Di ko sya kaanu anu sinamahan nya lang ako dito sa sakayan para makapunta sa aking doktor..." naliwanagan na ng kunte ang aking isipan kung bakit...
Tapos nagsulat na naman sya... Nung binasa ko nagpapatulong sya na makaputa sa ganitong lugar... "oo naman jan din naman ang daan ko..." sagot ko sakanya.. nung narinig nya ang sagot ko ngumiti sya at dun lumabas ang kanyang kagandahan... At parang may naramdaman akong kakaiba na kumurot sa aking puso pero di ito sakit kundi parang nagiba ang pakiramdam ko...
Parating na ang bus... Nung huminto dahil sa dami ng pasahero wala na kaming maupuan.. Kaya sabi ko wala na tayong maupuan tatayo nalang tayo... Ngumiti lang sya habang inaalalayan ko sya papasok... Sa sobrang dami ng pasahero pati hawakan sa bus wala ng natira.... isa nalang ang natira sa tapat namin.. Kaya sabi ko "eto may isa pa...." At itinaas naman nya ang kanyang kamay at parang kinakapa ang hawakan... Na parang napakalabo na ang kanyang mga mata... Dahil sa wala ng hawakan ipinatong ko narin ang aking kamay sa kanyang kamay... Nakatalikod sya sakin... Halos magkadikit lang kami kaya amoy na amoy ko ang kanyang napakabangong buhok.. At humahalo pa ang kanyang pabango na nuon ko lang na amoy...
Nung bigla syang bumitaw sa hawakan at humarap sakin dun ko nasilayan ang mala anghel nyang mukha.. Mga matang nagniningning sa kagandahan... Isang ilong na may katangusan at labing di gaanung kapulaan... At dun nagsulat na naman sya at iniabot sakin na nagtatanung ito kung anung oras na.... At tinignan ko ang aking relo sabay sabing..." Alas syete kwarentay tres na miss" sampong minuto na pala kami sa bus na parang kami lang ang nakasakay sa bus na di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman... Naglakas loob akong tanungin ang pangalan nya... Sabay salat na naman sa kanyang notebook at iniabot ang papel... "ANGELICA" ang nakasulat na naglalarawan na parang totoo talagang may kasama akong anghel sa bus... Isang napakagandang pangalan... At nung tinignan ko sya patuloy parin sya sa pag susulat sa kanyang notrbook... At nung natapos binigay nya sakin at aking binasa...
At biglang sumakit ang aking dibdib nung nabasa kong malabo ang kanyang mga mata at di sya makapagsalita.. Pero nakaririnig naman sya... Nung napansin ko sya nakatitig sya sa aking mukha na parang inaaninang nya ng mabuti at pilit nya akong kinikilala.. Napangiti ako sakanya sabay hawak sya sakin balikat at pababa sa aking dibdib... Sabay ngiti sya sakin at dun lumabas na naman ang kanyang kaandahan...
Inisip ko nalang na sanay mas matagal pa ang takbo ng bus para mas matagal ko pa syang makasama... Di ko na maipaliwanag ang aking nararamdaman sakanya ito na kaya ay isang pag ibig??? Palapit na kami sa kanyang sinabing bababaan nya nya... Di ko na namalayan pahinto na ang bus sa sa kung saan sya bababa... Kaya sabi ko sakanya dito na ang iyong babaan.. Hinawakan ko ang kanang kamay pababa ng bus... Di ko na inisip na kahit ma late na ako sa aking trabaho matulungan ko lang sya... At dun may nag hihintay na isang sasakyan at lumabas ang isang babae... Sabay sabi.... "Angelica salamat nakarating ka ng maayos" sabay yakap sakanya... Lumingon sya akin sabay ngiti... At nagsulat na naman sa kanyang note book... At iniabot sakin... Di ko na ito binasa dahil alam kong magpapaalam lang sya... At ayaw kong maramdaman na di na kami muling magkikita pa...
Pumasok na sila sa sasakyan at Pilit kong tinatanaw parin sila habang palayo na....
Alas otso bayente dos na nung makarating ako sa opisina... Late na naman kaya napagalitan ako ng boss ko pero ok lang nakilala ko naman si Angelica... Pero sumangi sa isip ko paano ko sya ulit makikita?? Ni hindi ko alam kung saan sya nakatira... Dun ko naramdaman ang lungkot... Nung naisip ko ung binigay nyang sulat sakin na di ko pa nababasa... Baka nandun ang kanyang address at baka mapuntahan ko sya...
Kinapa ko ulit ang aking bulsa kung saan ko nilagay ang sulat at binasa ko agad...
At eto ang nilalaman...
Maraming maraming salamat syo...
Di ko na kinuha ang iyong pangalan dahil huli na tayong mag kikita...
Ngayon lang ako lumabas ng nag iisa at napaka swerte ko ikaw ang aking nakasama. Naramdaman ko kanina na kahit hirap na hirap kang irelax ang iyong mga kamay para lang di ako masaktan sa hawakan ng bus.. Kaya ako bumitaw at humarap nalang syo... Pilit kong inaaninag ang iyong mukha para masilayan ko kung anu ang itsura mo... Kahit madilim ang aking paningin nakita kong napaka liwanag ang itsura mo...
Kahit pinagkaitan ako ng paningin pinagkalooban naman ako ng napakalakas na pakiramdam.. At nakita ko iyon nung hinawakan ko ang iyong dibdib at naramdaman kong napakabuti mong tao dahil napakalakas ang pintig ng iyong puso...
Nagpapasalamat ako syo dahil nakasama kita na kahit tatlong minuto lang sa buhay ko... Di ko na maaalis ang alaala mo.. Na meron pang mga katulad mo na malinis ang loob at puso...
Angelica
Di ko na maipaliwanag ang naramdaman ko may sakit dahil wala ang inaasahan ko at saya dahil sa nabasa ko...
Araw araw pag nasakay ako sa bus. Di ko mapipigilang tumanaw sa kabilang kalye nagbabakasakaling makita ko ulit si Angelica. Pero kahit di ko sya nakikita may mgiti na sa aking labi dahil minsan naramdaman kong tunay na pagmamahal kahit anu pa sya may karamdaman at diperensya di natin mapipigilan ang puso pag umibig na...
Hanggang ngayon umaasa parin akong magkikita pa kami... At pag nagyari yun diko na sya pakakawalan..
Original Post at Pure Love "Pusong Bato, Pinalambot ng Puso mo." Dated
https://www.facebook.com/purelovepusongbatopinalambotngpagibigmo/photos/a.195173747225675.47769.104102049666179/240900699319646/?type=3&theater
No comments:
Post a Comment