Saturday, February 11, 2017

"Moon Ride"


"Moon Ride"
By: Natz Liwanag

Paalala mga tauhan, lugar at pangyayari ay pawang kathang isip ko lamang..
Itoy walang kinalaman kahit sino man..
Kaya kung ikay magtanong wala akong pakialam
Dahil ang istoryang itoy gawa lamang ng mapaglaro kong isipan...

Sabado palang ng umaga masayang masaya na si Joy... desi sais anyos na bata, habang nag eempake ng kanyang mga damit dahil lilipat na sila ng kanyang mga magulang sa Philcoa kung saan malapit sa kanyang papasukan sa kolehiyo napagkasunduan kasi nilang mag aaral sya sa UP.. porket nag iisang anak at may kaya naman sila sa buhay kaya lahat nasusunod ang gusto nya..

Magaling na bata si Joy.. Madaling makahanap ng mga kaibigan dahil bibo sya at di nahihiyang makipag usap.. Palangiti at maganda... Kaya sabi nila bagay na bagay ang kanyang pangalan sa kanyang katauhan...

Hapon na ng sabado Nung natapos silang mag balot ng kanilang mga gamit... Kaya maaga rin silang natulog dahil madaling araw sila aalis at lilipat ng bahay...

Kinabukasan (linggo) busing busy silang nag aayos sa kanilang bagong bahay.. Si Joy masayang masaya sya sa bagong kwarto na binigay sa kanya... Dahil ngayon palang sya nagkaroon ng sariling kwarto dahil sa luma nilang bahay magkasama silang natutulog ng kanyang mga magulang sa isang kwarto... Habang nakahinga si Joy sa kanyang sariling kama naglalaro sa kanyang isipan ang mga bagay na.... "gagawa ako ngayon ng pangalan... Magiging sikat ako sa paaralan... At kikilalanin ng lahat..."

Makalipas ng mga araw unang pasok ni Joy sa UP. Hinatid pa sya ng kanyang mga magulang sa paaralan... Habang silay nasa kotse di matapos tapos na paalala ang kanyang mga magulang kay Joy... OO lang naman ng oo si Joy... Kaya kampante narin ang kanyang mga magulang s anak...

Unang araw di nga nga nabigo si Joy nakakilala sya ng mga bagong kaibigan... At maswerteng nakilala pa nya ang captain ball ng varsity ng basketball... Masayang masaya si Joy sa unang araw ng kanilang klase di matapos tapos na kwentuhan agad ang ginawa nila ng mga bago nyang kaibigan...

Makalipas ang mga araw tuwang tuwa si Joy dahil nagpaparamdam na ng pagmamahal si Josh sya ung captain ball ng basketball sa varsity sa UP... Anjan ang di matapos tapos na kwentuhan, txt, at mga regalo... minsan sinusundo at hatid pa nya ito sa kanilang bahay... Kaya di naman nagkulang sa paalala ang kanyang mga magulang dahil bata pa si Joy...

Dahil sa pag hahangad ni joy na maging sikat... Sinagot nya nga si Josh.... Dihil sya lang ang alam nyang makatulong sakanya para maging popular sa paaralan...

Biyernes ng umaga....
Nag text si Josh...
"baby punta tayo mamaya sa bahay ng kaibigan ko birthday nya... Tapos mag MOON RIDE tayo... Kaya magpaalam ka na sa magulang na gagabihin ka ng uwi..."

Masayang masaya sa natanggap na txt ni Joy... Pero napaisip sya kung anung idadahilan nya sa kanyang mga magulang... Kung sasabihin nya ang totoo sigurado di sya papayagan... Kaya nag isip sya ng ibang paraan para makasama nya lang si Josh...
Sinabi nyang pupunta sya sa isa nyang kaklase at may tatapusin na project... At ma lalate sya ng uwi... Kaya pinayagan naman nila ito....

Kinagabihan magkasama na sila ni Josh.. Habang nasa bahay ng kanyang kaibigan dun na nya nakita ang totoong Josh...
mga barkada nya nag iinuman sila ng alak... Naninigarilyo ng marijuana... At ang pinakamatindi ay my mga droga pang tinitira...
Kaya sa takot ni joy na baka mahuli ng pulis pilit nyang inaaya si Josh na ihatid na sya sa bahay... Pero walang nagawa si joy dahil ayaw naman ng kanyang kasama...
Nag di na mapigilan ni Joy itoy nagalit at....
"Josh ihatid mo na ako sa bahay o mag lalakad na ako paalis dito!!!.."
"isa nalang isa nalang" sagot naman ni Josh.. kaya muli natagalan na naman ang pag alis nila...
Ang isa na un dumami pa hanggang may tama na si Josh...
ng di na makatiis si Joy...
paalis na sana ng hinabol sya ng binata... At pansamantalang nag usap...

"Sige na ihatid na kita...!!! Kill Joy ka talaga!!!!..." sabi ni Josh..
Habang silay nasa kotse na nag aaway nung napansin ni joy na napakabilis na pala ng takbo nila... Pilit nyang pinakikiusanan si Josh na bagalan baka madisgrasya sila... Pero hindi ito pinakinggan ng kanyang kasama kundi idiniin pa ang selinyador......
at sa isang iglap may sumalubong sakanilang liwanag at nagyari na nga ang kinatatakutan ni Joy.... Hindi inisip ni joy ang kanyang sarili kundi ang kanyang kasama at kung anu na kaya ang ngayari sa kanilang nakasalubong.... Kung buhay pa kaya sila... Hindi na makakilos si joy pero bukas parin ang kanyang mata at malinaw na nakaririnig.... nariring nya na patay na ang nagmamaneho ng kotse at alam nyang si Josh iyon.... Inisip ni Joy kung kung kumusta naman kaya ang kanilang nakabangga... Sana buhay pa sila sabi ni joy... At walang humpay ang kanyang pagdarasal habang syay itinatakbo sa ospital...
Di na makakilos si joy dahil sa tinamo nyang mga sugat...
Pero pilit parin nyang tinanung ang dictor...
"doc... Kumusta po ang nasa kabilang mga sasakyan?? Buhay pa ba sila??? Pakisabi po sa kanila SORRY sa nangyari... Sana mapatawad nila ako...." habang hirap na hirap na sinasabi iyon sa doctor...

Pero wala syang nahintay na sagot galing sa doktor...
At unti unti ng naputol ang hininga ni Joy....

Nung tanungin ng nurse kung bakit di nya sinabi na patay narin ang kanilang nakabanggaan...

Sabi ng doctor.... "Dahil mga magulang nya ang nasa kabilang sasakyan...."

No comments:

Post a Comment