Tuesday, January 31, 2017

Simple story of Love


Lumuwas ako sa ibang bansa para makipag sapalaran.. At para makalimot na rin sa aking pinagdaanan.. Malupit masaklap ang aking nakaraan dahil iniwan ako ng aking kasintahan.. Nuong nalaman na may laman na ang aking tyan.. Inalagaan ko ang aking anak hanggang ng sya ay aking isilang.. Isang prinsipe na walang kamuwang muwang.. Dala na rin ng kahirapan kaya ako ngayon nandito sa ibang bayan na nakikipag sapalaran.. Para naman mabigyan ko sya ng magandang kinabukasan... 
------Dito nga napadpad sa among walang alam kung di ako utusan.. Pero nagtitiis dahil gusto kong akoy may matulungan.. Pag tapos ng trabaho mahihiga na ako sa aking himlayan.. Minsan dala ng kalungkutan facebook ginawa kong libangan.. Dito ako natutuwa at para narin aking makita prinsipeng aking kinagigiliwan... Minsan nakikipag kwentuhan minsan nakikipag kulitan.. Dito ko nalang binabawi lumbay na aking nararamdaman..
-----Isang gabi habang akoy nakikipag kwentuhan sa aking mga kaibigan.. Isang binata ang nag aalok ng pagkakaibigan.. Inisip ko di naman ako bato para aking tangihan.. Lumipas ang araw at ang buwan.. pagkakaibigan namin lumalim ng lumalim hanggang kami may nararamdaman.. Nagtapat sya ng pag ibig at sumumpang totoo ang kanyang nararamdaman.. Ngunit akoy nag aalinlanan dahil sa aking naranasan... Takot ng umibig muli kahit akoy mayroon ding nararamdaman.. Nang matapos na nga ang aking kontrata sinabi ko'y akoy uuwi nalang.. Aalagaan aking prinsipe na aking iniwanan...
------ Ngunit napakalaking surpresa ang aking nadatnan... Kasama na sya ng aking pamilya na sumundo sa akin sa paliparan... Nauna na pala syang umuwi kinausap na aking mga magulang.. Nuong papalapit na ako sakanya ano ang kanyang kailangan?? Sabay luhod sya may inabot na "sing-sing" ng pagmamahalan.. Napaluha ako sabay tingin sa aking mga magulang.. Ngumiti sila sa akin tanda ng pagsang ayon sa binatang nasa aking harapan... Iniabot ko aking mga kamay at itinayo ko sya at aking mayakap at mahagkan... Simbolo na tinatanggap kona pamamahal nyang inaalay... 

by: natzliwanag

No comments:

Post a Comment