Crush in Facebook
By: Natz Liwanag
Bakit kaya napakasarap ng feeling kapag may Crush ka?
Makita mo lang kahit picture nya sa facebook di na maipaliwanag ang kasiyahan mong nadarama..
Ako nga pala si Jayvyn isang OFW.
Sa bihira akong makalabas dahil masyadong maraming trabaho..
Pagka out ko sa factory nagpapahinga nalang ako at kasabay nito ang facebook.
May nakilala ako.
Napakaganda ang kanyang profile picture..
Palagi ko itong tinitignan
Walang araw na di ako dumadalaw sa kanyang profile pag nag bukas ako ng facebook.
Hanggang hanga talaga ako sa taglay nyang kagandahan..
Sa katagalan nasabi ko sa sarili ko...
Bakit di ko padalhan ng friend request?
Bahala na kung tanggapin nya o hindi..
Laking tuwa ko naman nuong nakita ko ang notification ko...
Na tinaggap nya ang friend request ko...
Sya nga pala...
Sya si "Sarah"
Nakalagay sa status nya "singel"
At ang maganda pa nito parehas ang bansa na aming kinaroroonan...
Kung umayon ba naman ang tadhana napaka sarap talaga.
Laking tuwa ko nung nabasa ko ito.
Di na ako nag aksaya ng panahon...
Kinausap ko sya sa chat..
At lalo akong napahanga sa taglay nyang kabaitan.
Masarap syang kausap nakakabawas talaga ng pagod..
Sa di katagalan napag kasunduan naming magkita..
Hindi ko na maipaliwanag ang aking nararamdaman...
May takot ako baka pag nagkita kami di na nya ako kakausapin...
Pero wala na akong magagawa u mo OO na ako at naka set na ang aming pag kikita...
Palapit ng palapit ang araw na kami ay mag tagpo na...
Hanggang sa dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko at kinatatakutan ko...
Ang Crush ko sa facebook makikita ko na ng personal...
Araw ng linggo alas syete palang nakabihis na ako at nag hihintay ng message nya...
Dumating ng alas otso hanggang alas nuebe wala parin akong natatanggap...
Umukit na sa aking mukha ang kalungkutan...
Nag aalala at nag iisip na baka hindi ma matutuloy ang aming pag kikita...
Alas diyes biente ng nakatanggap ako ng message nya kinabahan ako baka sabihin nya na di na kami tuloy magkikita...
Bago ko binuksan nagdasal muna ako na sana maganda ang aking mababasa....
At ito nga ang nakasulat.
Pasensya ka na Jayvyn....
Naghanda pa kasi ako ng makakain nila amo kaya ngayon lang ako...
Paalis na ako ng bahay
Papunta na sa ating tagpuan...
Halos napalundag ako sa tuwa nuong nabasa ko ang message nya...
Dali dali akong tumawag ng taxi para makita ko na rin ang crush ko...
Pero nuong nakasakay na ako sa taxi nag laro sa isipan ko...
Kung sasabihin ko ng may crush ako sa kanya...
Nag aalinlangan pero buo na ang pasya ko... Bahala na...
Alas diyes singkwentay kwatro ng nagkina na nga kami.
Hindi talaga maitatago ang kagandahan nya...
Lalo pang lumalim ang pag hanga ko sakanya...
At ang maganda pa nito syang sya nga ang nakakachat ko sa facebook...
Hindi lang sya maganda napaka bait nya talaga...
At akalain mong pinag luto pa nya ako ng paksiw para may maulam ako mamaya...
Nagpunta kami sa isang kainan at dun na rin kami nag kwentuhan...
Halos di matapos tapos ang masaya naming kwentuhan at tawanan...
Dun ko rin nalaman na napaka masayahin nyang dalaga..
Na hindi mo ito pag iisipan ng masama...
Di namin namalayan ang oras....
Pa hapon na rin pala...
Nag aalala ako dahil hindi ko pa nasasabi na crush ko sya...
At di nga nagtagal...
Nagpaalam na sya...
Sabi nya hanggang alas sais lang daw ang curfew nya...
Bigla akong nalungkot na ihatid ko na sya sa sakayan kung saan pauwi na sya...
Hindi makakuha ng tyempo dahil marami ng tao nakapaligid sa aming dalawa...
Pero sabi ko "bahala na"
At ito nga ang mga salitang kaylanmam di ko makakalimutan...
"Sarah.... May sasabihin ako, may gusto ako syo..."
Sa dami ng tao na nakapaligid sa amin may iba na nagtinginan at may iba naman na walang pakialam...
Namutla ako nuong sinasambit ko ang mga salitang iyon...
Sa dami ng tao... Para silang nag laho sa paningin ko... Na parang kami lang ang nag uusap...
Lalo na nuong bigla nya akong niyakap at bumulong sa akin....
Kung anu man ang ibinulong nya....
Ang masasabi ko lang...
Dito nag umpisa ang napakagandang relasyon naming dalawa...
Masaya kaming naghiwalay... Punung puno ng ngiti ang aming mga labi..
Hanggang ngayon patuloy parin kaming magkachat sa facebook at nagkikita kapag day off namin...
Kung saan man kami dalhin ng tadhana...
Sigurado na ako...
Ipag lalaban ko sya hanggang sa aking makakaya...
Dahil alam ko sa puso ko sya na ang babaeng mamahalin ko habang nabubuhay ako...
Dahil ang crush ko nuon.... Girlfriend ko na ngayon...
Gusto mo bang malamam kung anu ang ibinulong nya nuon??
"Akala ko manhid ka? Hindi pala.... Alam mo bang Crush din kita..."
Mga katagang nakatatak sa aking isipan at kung saan nag simula ang magandang samahan....
Sabi nga nila:
Wag mong itago ang nararamdaman mo...
Habang may pagkakataon ka sabihin mo na ito
Dahil malay mo sya na pala ang taong hinahanap mo....
The End
No comments:
Post a Comment